Bago mag-alas-9 ng umaga, dumating sa Sandiganbayan si PNP-CIDG NCR Chief Police Colonel John Guiagui para sa return of warrant ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Dumiretso siya sa 3rd Division Clerk of Court para isumite ang bitbit na spot report, mugshot at booking form, kopya ng warrant of arrest, certificate of detention, at medical certificate ng mambabatas.
Sa panayam sa media, sinabi ni PCol Guiagui na nakumpleto sa ospital ang lahat ng booking procedures kay Romualdez.
Nakatakda rin umanong suriin ng PNP Medical Unit ang medical certificate para matiyak na tugma ito sa medical findings ng Cardinal Santos Medical Center.
Sunod na hihintayin ang magiging commitment order ng Sandiganbayan 3rd Division kung saan madedetine si Romualdez, bagamat may nauna na itong mosyon sa korte na payagan siyang manatili sa hospital arrest dahil sa kanyang medical condition.
Ayon naman sa CIDG, tatalima sila sa magiging desisyon ng korte.