Seryoso ang Lungsod ng Marikina sa pagbabawas ng volume ng basura sa kanilang lungsod sa pamamagitan ng maayos na segregation ng basura at pagdadala sa mga ito sa Centralized Materials Recovery Facilty.
Ayon kay Marikina City Environment and Management Office Assistant Department Head Oliver Villamena matagal nang direktiba sa bawat lungsod sa buong bansa ang pagkakaroon ng Materials Recovery Facility upang mas maisaayos ang pamamahala sa basura.
Kabilang sa mga pangunahing makina ng pasilidad ang sarili nitong composting machine, composter, bioreactor para sa pag-recycle upang gawing compost ang mga biodegradable na basura.
Habang ang mga plastic at iba pang non-biodegradable na basura naman ay diretso sa plastic to school chair factory upang muli itong mapakinabangan bilang upuan sa mga paaralan.
Ayon kay Villamena, hindi tumitgil ang kampanya ng Lungsod ng Marikina upang ipaunawa sa mga residente ang kahalagahan ng segregation ng basura at ang mga benepisyong kalakip nito.
Bukod sa mga recycled school chairs kabilang din ang mga eco bricks, eco pots at pavements sa mga produktong muling napapakinabangan sa pamamagitan ng mga makinang nakapaloob sa Centralized Materials Recovery Facilty ng lungsod ng Marikina.