Walang-patid ang isinasagawang kontra-baha measures ng Marikina matapos man o magpatuloy ang maulang panahon dulot ng habagat at mga bagyo.
Binigyang-diin ni Marikina City Mayor Maan Teodoro na walang-humpay ang dredging operations nila sa Marikina River kung saan isang partikular na Inter-Agency Task Force na ang binuo nila upang tumutok dito.
Ibinida rin ni Mayor Teodoro na bukod sa mga ibinibigay na tulong ng pamahalaang nasyonal sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay nagkakasa rin ng sariling inisyatiba ang Marikina LGU tulad na lamang ng improvement ng drainage system nito.
Umaasa rin ng Lungsod ng Marikina na agad na ring matatapos ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang multi-year project nito sa Marikina na isang 24 meters retaining wall.