Makararanas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Quiapo at Tondo sa Maynila bukas, Nobyembre 24, 2026.
Ayon sa inilabas na abiso, isasagawa ang power interruption upang bigyang-daan ang pagpapalit ng mga poste ng kuryente sa kahabaan ng Earnshaw, Pampanga, Gapan, at Bulacan Streets.
Mula alas-9:00 hanggang alas-9:30 ng umaga at alas-1:30 hanggang alas-2:00 ng hapon, pansamantalang mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Vicente del Fierro at Nepa Streets, mula malapit sa Juan Luna Street hanggang Tomas Earnshaw Street.
Kabilang din sa mga apektadong lugar ang Alcalde, Antipolo, Bato, Callejon J, Callejon N, Cavite, Gapan, General Lukban, Ramon Fernandez, S. del Rosario, at Yangco Streets.
Maaapektuhan din ang Immaculate Conception Academy of Manila (ICAM) at ang Asia Brewery Inc. Warehouse.
Samantala, apektado rin ang bahagi ng Tomas Earnshaw Street mula Nepa Street hanggang Fidel Street, kabilang ang Cavite, Callejon J, at Gapan Streets.
May hiwalay namang power interruption mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon sa bahagi ng Tomas Earnshaw Street mula Nepa Street.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Pampanga, Bilibid Viejo, Bulacan, Callejon K, Callejon S, Gapan, S. del Rosario, at Tirso Cruz Streets.
Maaapektuhan din ang Jose P. Laurel High School Manila at Florentino Torres Senior High School. Kaugnay nito, pinayuhan ang mga residente, paaralan, at negosyo sa mga apektadong lugar na maghanda nang maaga at gawin ang mga kinakailangang pag-iingat habang isinasagawa ang maintenance work.