Sa gitna ng patuloy pa ring pag-ulan, tuloy-tuloy rin ang dredging activities ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation, katuwang ang government at private sector partners, para makatulong na mapabilis ang daloy ng tubig at maibsan ang pagbaha sa San Simon at Tulaoc.
Bahagi ito ng mga flood mitigation measures ng NLEX, kabilang ang pumping operations, clearing activities, at iba pang hakbang para maprotektahan ang expressway at makatulong sa mga kalapit na komunidad.
Kaugnay nito, nakatakdang muling magsagawa ng inspeksyon si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa mga flood management intervention ng DPWH sa mga kalapit na lugar sa Tulaoc at San Simon Sections ng NLEX ngayong Martes.
📸 NLEX Corp