Naniniwala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na nararapat lang na maging global concern ang pagprotekta sa maritime infrastructures.
Kasama na rito ang mga ports, submarine cable na nagagamit sa pagkonekta ng maritime zones at jurisdictions gayundin ang mga ruta para sa shipping na nakakatulong sa ekonomiya ng iba’t ibang bansa.
Ayon kay Foreign Affairs Aecretary Ma. Theresa Lazaro ang pagprotekta sa kritikal na mga maritime infrastructure ay pangangalaga sa sistema na nagkokonekta sa iba’t ibang bansa.
Nakabase din sa pagtutulungan ng iba’t ibang bansa kung magiging epektibo at malakas ang seguridad sa maritime domain ng mundo.
Sinabi naman ito ng kalihim sa kanyang talumpati sa Experts Forum on Critical Maritime Infrasture na isinagawa sa Pasay City.
Dumalo rito 164 policymakers, technical experts, at representatives mula sa pribadong sector at mga delegado mula sa 31 bansa Indo-Pacific, Europe, at America.
Nabigyang-diin din ni Secretary Lazaro sa Forum na dapat palakasin pa ang United National Convention on the Law of the Sea upang matiyak na makakatulong ito para tugunan ang mga problema sa maritime na hindi pa nakikita o nararanasan nang nabuo ang UNCLOS nong 1982.
Giit din naman ni Secretary Lazaro dapat lahat ng plano at layunin ng mga bansa sa pagprotekta sa maritime infrastructure ay naaayon sa international law at may respeto rin sa karapatan at obligasyon ng bawat bansa.