Hinikayat ng Department of Social Welfare and Development ang mga miyembro ng 4Ps na lumahok sa Handog ng Pangulo 2026 Job Fair ngayong September.
May kabuuang 34,439 bakanteng trabaho mula sa 421 employers na alok sa 79 job fair venues sa buong bansa.
Nagsimula ang job fair noong September 7 at 8 sa Siquijor at susundan ng Nueva Vizcaya bukas, September 10.
Sa September 12, isasagawa naman ito sa Negros Oriental, Negros Occidental, Maynila, at Quezon City.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, layunin ng programa na mabigyan ang mga benepisyaryo ng 4Ps ng trabaho at iba pang oportunidad upang matulungan silang maging self-sufficient.
Kasama sa programa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang DOLE, Department of Agriculture, at Department of Trade and Industry.
Hinikayat ng DSWD ang mga 4Ps beneficiaries na samantalahin ang pagkakataong makahanap ng trabahong naaayon sa kanilang kakayahan at karanasan.