Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na magiging mabusisi ang pamahalaan sa development ng Artificial Intelligence Infrastructure sa bansa.
Ito ang naging pahayag ng DICT kasunod ng presentasyon ng Philippines AI+ Infrastructure Masterplan 2026-2033 (PAIIM).
Ayon kay DICT National ICT Planning, Policy and Standard Bureau OIC, Director Gemma Baysic ia-angkla ang mga nasabing AI Infrastructure sa mga mutually supporting pillar sa ilalim ng Philippines AI+ Infrastructure Masterplan 2026-2033.
Kabilang sa mga supporting pillar na ito ang developemt ng connectivity infrastructure; AI compute at data centers; pag-source sa sustainable energy at tubig; development ng AI workforce; polisiya at regulasyon; at demand creation and adoption.
Kasama naman sa mga tinukoy na corridors kung saan itatayo ang AI industries ay ang Clark-Bataan corridor bilang primary anchor, Batangas-Aurora corridor bilang strategic gateway, Subic/Calabarzon na tatayo bilang supporting hubs at ang Cebu/Iloilo/Davao/CDO na magsisilbi bilang future regional nodes.