Kahit sa gitna ng masamang panahon maaaring makapag-apply ng trabaho ang mga jobseeker sa Makati City dahil sa gumugulong na online job search sa lungsod.
Iba’t ibang trabaho ang alok sa online job search kabilang ang security, marketing, accounting, computer engineering, sales, utility, services at iba pa.
Buwan-buwan itong ginagawa ng Makati City pero para sa buwan ng Setyembre nasa 40 kumpanya ang maaaring applyan at hindi bababa sa 140 posisyon.
Para naman makapag-apply online pumunta sa Facebook page ng Makati City at hanapin ang post tungkol sa online job search. I-click ang link kung saan maaaring mag-register.
Huwag kalimutan na i-upload ang resume at hintayin naman ang notification mula sa Makati PESO para sa kumpirmasyon ng aplikasyon.
Para sa mga nahihirapan na mag-apply online maaari pa rin namang magpunta sa 5th floor ng Makati City Hall upang personal na magsumite ng aplikasyon.