Photo courtesy of PHIVOLCS
Patuloy ang DOST-PHIVOLCS sa pag-aaral sa kasaysayan ng pagputok ng Bulkang Iraya sa Basco, Batanes, kasama ang Japanese University.
Mula 2019, hindi bababa sa limang explosive eruptions ang natukoy sa pamamagitan ng radiocarbon dating, bukod sa isang historical eruption na naitala sa PHIVOLCS-LAVA.
Sa bagong fieldwork, nangolekta ang mga researcher ng charcoal at soil samples mula sa mga volcanic deposit para matukoy ang panahon ng mga sinaunang pagsabog.
Sinuri rin ang magnetic properties ng mga bato para matukoy ang temperatura at uri ng mga depositong naiwan ng bulkan.
Layunin ng pag-aaral na matukoy kung gaano kadalas at kalakas maaaring pumutok ang Iraya sa nakalipas na 10,000 taon.