Nangako ang Department of Labor and Employment (DOLE) na patuloy nitong palalakasin ang employment facilitation at tutulungan ang mga job seeker na makahanap ng available na trabaho.
Kasunod ito ng inilabas na July 2026 Labor Force Survey (LFS) ng Philippine Statistics Authority, na nagpapakita ng mga pag-unlad, ngunit may mga hamon pa rin sa labor market.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, nananatiling mas mataas nang malaki ang employment kumpara noong nakaraang taon, ngunit ang pagtaas ng unemployment ay nagpapakitang marami pa ring Pilipino ang naghahanap ng trabaho.
Batay sa datos ng PSA, umabot sa 49.21 milyon ang employed Filipinos noong July 2026 — 3.16 milyon na mas mataas kumpara sa 46.05 milyon noong July 2025.
Samantala, tumaas din ang labor force ng 3.71 milyon, mula 48.65 milyon tungo sa 52.36 milyon, habang umakyat ang labor force participation rate mula 60.7 percent hanggang 63.6 percent.
Gayunman, bumaba ang employment rate sa 94 percent, mula 94.7 percent noong nakaraang taon.