Pinangungunahan ngayong hapon (September 9) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ikawalong pulong ng Private Sector Advisory Council (PSAC) na nakasentro sa infrastructure sector.
Kasama ang ilang opisyal ng pamahalaan at mga eksperto mula sa pribadong sektor, tinatalakay ang mga rekomendasyon sa pagpapalakas ng infrastructure resilience at water security ng Pilipinas.
Ilan pa sa mga paksa sa pulong ay ang structural resilience at building safety; quality and safety ng imported cement; disaster resilience at flood management; at water security and infrastructure resilience.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, sa tulong ng pinagsamang kilos ng pamahalaan at mga rekomendasyon ng private sector, inaasahang magiging mas ligtas at matibay ang mga imprastraktura laban sa mga sakuna gamit ang building materials na mas mataas ang kalidad.
Layon din ng gobyerno na bawasan ang pagbaha sa mga komunidad sa paligid ng Laguna de Bay at Southern Metro Manila, at pagbutihin ang water security at climate resilience ng Pilipinas gamit ang mas angkop at aktibong pagtugon sa climate-related water risks at pagpapabilis sa development ng water infrastructure projects sa bansa.