Pinapayagan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang qualified export-oriented enterprises na mag-
claim ng VAT refund habang hinihintay ang kanilang certification para sa VAT zero-rating.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, saklaw nito ang VAT na binayaran sa qualified local purchases at importations na maiuugnay sa zero-rated sales.
Kasama rito ang VAT na binayaran simula November 28, 2024 hanggang bago maibigay ang certification, basta’t ito ay na-issue sa loob ng transition period na nagtapos noong December 31, 2025.
Kailangan pa ring matugunan ng mga negosyo ang requirements sa ilalim ng Tax Code, kabilang ang sapat na dokumentasyon at patunay na direktang maiuugnay ang input VAT sa qualified zero-rated sales.
Ayon pa kay Mendoza, layunin ng bagong memorandum circular na linawin ang refund process para sa exporters habang isinasagawa ang transition sa bagong zero-rating certification system.