Screengrab from U.S. Central Command
Naglunsad ng pag-atake ang Iran sa isang base militar ng Estados Unidos sa Jordan at ilang barko malapit sa Strait of Hormuz kasunod nang pagkawasak ng limang Iranian oil tanker mula sa isinagawang operasyon ng Amerika.
Ayon sa ulat ng Reuters, nagpalipad ang Iranian Revolutionary Guard Corps ng ballistic missiles patungo sa Al Azraq military base sa Jordan.
Sinabi naman ng mga opisyal ng Jordan at Washington na karamihan sa mga missile ay na-intercept at walang naiulat na malaking pinsala o pagkasawi.
Samantala, sinabi ng Iran na pinuntirya nito ang dalawang barko ng U.S., walong oil tanker, at iba pang sasakyang pandagat malapit sa Strait of Hormuz.
Dahil dito, bumaba ang bilang ng mga barkong dumaraan sa mahalagang rutang pangkalakalan.
Nagbabala naman ang mga eksperto na maaaring magkaroon ng epekto sa pandaigdigang suplay at presyo ng langis ang panibagong tensyon lalo kung magpapatuloy ang pagkaantala sa paglalayag sa nasabing ruta.