Welcome para kay House prosecutor at Manila 3rd District Representative Joel Chua ang pagbasura ng Quezon City Office of the City Prosecutor sa reklamong inihain ni Atty. Mans Carpio, asawa ni VP Sara Duterte laban sa ilang mambabatas at opisyal ng pamahalaan kaugnay ng umano’y pagbubunyag sa kanilang confidential financial records.
Kabilang sa mga inireklamo ni Carpio sina House Justice Committee Chairperson Gerville Luistro, Chua, mga miyembro ng Justice Committee, AMLC Executive Director Ronel Buenaventura, Insurance Commissioner Reynaldo Regalado at SEC Chair Francis Lim.
Ayon kay Chua, inaasahan nilang ibabasura ang reklamo dahil malinaw umano itong harassment lamang laban sa mga mambabatas na gumaganap ng kanilang tungkulin.
Iginiit din ni Chua na walang sapat na batayan ang reklamo dahil ang kanilang mga aksyon bilang bahagi ng kanilang trabaho sa congressional hearing.
Napapanahon din umano ang desisyon dahil sa susunod na linggo ay sisimulan na ng impeachment court ang pagtalakay sa Article II o ang usapin ng unexplained wealth.
Naniniwala si Chua na hindi na matatakot o mapipigilan ng naturang reklamo ang mga testigong nais nilang iharap sa impeachment trial, lalo na ang mga may mahalagang impormasyon kaugnay ng unexplained wealth.