Dadalhin sa Barangay San Jose sa Navotas ang Kadiwa ng Pangulo sa darating na Huwebes at Biyernes, September 10 at 11 para sa bentahan ng mga murang bilihin gaya ng bigas, gulay, at karne.
Kabilang sa alok ang ₱20-per-kilong bigas para sa mga kwalipikadong benepisyaryo, kabilang ang senior citizens, PWDs, solo parents, 4Ps beneficiaries, registered fisherfolk, at mga miyembro ng TODA.
Magsisimula ang Kadiwa ng Pangulo alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Paalala naman sa mga bibili na magdala ng kinakailangang valid ID, NavoRehistro, at DA QR Code. First come, first served ang bentahan at maaaring mag-cut off ang pila kapag naubos ang supply.