Pormal nang binuksan ng Civil Service Commission (CSC) VI ang Trabaho at Serbisyo, Hatid sa Bayan 2026 sa SM City Iloilo.
Bahagi ang aktibidad ng selebrasyon ng 2026 Philippine Civil Service Anniversary na ipinagdiriwang tuwing Setyembre.
Ayon kay CSC-VI Acting Director II Atty. Alma Kristina Amolar, layunin ng aktibidad na ilapit sa mga mamamayan ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan.
Kabilang sa aktibidad ang Government Job Fair, kung saan 179 na bakante at permanenteng posisyon sa pamahalaan ang iniaalok sa publiko.
Kasabay nito ang paghahandog ng frontline services kagaya ng pagproseso ng ID, mga dokumento at iba pang pangunahing serbisyo ng gobyerno.
Magpapatuloy ang aktibidad hanggang alas-5 ng hapon ng September 9. | ulat ni JP Hervas | RP Iloilo

