Isinusulong ngayon sa Australia ang isang batas na layong bigyan ng kontrol ang social media users sa content na nais nilang makita sa kanilang feeds.
Sa ilalim ng draft legislation, bibigyan ng social media platforms ang mga user ng kakayahang mamili sa pagitan ng personalized algorithmic recommendation o mga content na isinaayos ng algorithm base sa personal preferences ng user at sa mga post mula sa “friends” at “creators” na nais sundan ng user.
Ayon kay Australian Prime Minister Anthony Albanese, ang panukala, na bahagi ng kanilang “My Feed, My Way” initiative, ay upang bigyan ng karagdagang opsyon ang mga user at papanagutin ang malalaking technology companies.
Ang mga platapormang hindi makasusunod sa batas ay mapapatawan ng aabot sa 109.2 million Australian dollars.
Nag-ugat ang panukala mula sa mga pagsusuring ginagamit na ang algorithm upang gawing “addictive” ang pagbabad sa platform mula sa mga rekomendasyong may pare-parehong content.
Target ng pamahalaan ng Australia na maihain sa parliament ang nasabing bill ngayong taon.