Nagsuspinde muli ng klase ang ilang lokal na pamahalaan sa Luzon para sa araw ng Miyerkules, Setyembre 9, 2026. Ito ay dahil sa patuloy na pag-ulan at banta ng pagbaha na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.
Inilabas ng mga opisyal ang abiso upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro. Ang ilang lugar ay nagpatupad ng kabuuang suspensyon ng klase habang ang iba naman ay nagkansela ng face-to-face classes.
Narito ang mga lugar na walang pasok ngayong Setyembre 9:
REGION III (CENTRAL LUZON)
Lalawigan ng Bataan
- Balanga City: Face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pampribado)
- Hermosa: Face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pampribado)
Lalawigan ng Bulacan
- Calumpit: Lahat ng antas (pampubliko at pampribado)
- Hagonoy: Face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pampribado)
Lalawigan ng Pampanga
- Angeles City, Macabebe, at Mexico: Face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pampribado)
- Masantol: Face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pampribado (hanggang Huwebes, Setyembre 10)
- San Simon: Lahat ng antas, pampubliko at pampribado (hanggang Biyernes, Setyembre 11; maliban sa Concepcion Integrated School)
- Santo Tomas: Face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pampribado (hanggang Sabado, Setyembre 12)
- Candaba: Face-to-face classes sa mga piling paaralan (Lanang Elementary School, Pasig Elementary School, San Agustin Elementary School, Lanang High School, Pasig High School, Paralaya High School, at Pampanga State University)
- San Fernando City: Klase sa mga piling paaralan (Camp Olivas Elementary School, Pandaras Integrated School, at San Nicolas Integrated School)
Lalawigan ng Zambales
- Botolan: Face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pampribado)
REGION I (ILOCOS REGION)
Lalawigan ng Pangasinan
- Mangaldan: Face-to-face classes sa lahat ng antas (pampublikong paaralan lamang)
I-refresh ang pahinang ito para sa mga susunod pang opisyal na anunsyo at update mula sa mga pamahalaang lokal.