Nanawagan ang National Parent Teacher Association o PTA sa pamahalaan partikular sa Department of Education o DepEd na mas matutukan ang mga plano at istratehiya nito pagdating sa blended learning modality tulad ng online classes at asynchronous classes sa mga kabataan lalo na kung napapadalas ang pagkansela ng mga klase.
Sa panayam ng Mark In, Mark Out kay National PTA Legal Consultant, Atty. Bim Sali aminado silang mas prayoridad naman talaga ang kaligtasan ng mga kabataan ngunit hindi rin dapat masakripisyo sa prosesong ito ang pagkatuto ng mga estudyante.
Dapat umano na maging iisa ang standard ng DepEd sa learning modality at online learning partikular sa mga ginagamit na modules upang hindi mailto ang mga estudyante.
Umaasa rin ang National PTA na tutulong din sa adhikaing ito ang mga magulang na siyang aaktong mga guro ng mga kabataan sa oras na kanselado ang face-to-face classes ng mga ito.