Bineberipika na ng National Bureau of Investigation o NBI sa Bureau of Immigration o BI ang ulat na lumabas umano ng bansa ang magkapatid na Senador Alan Peter Cayetano at Senadora Pia Cayetano.
Sa panayam ng IBC kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, sinabi nitong binibigyan nila ng “benefit of the doubt” ang dahilan ng pagbiyahe ng magkapatid na Cayetano.
Gayunman, magandang tingnan din ang “timing” kung talaga nga bang totoong umalis ng bansa ang dalawang senador.
Makabubuti rin, ayon sa NBI, kung hihintayin na lang ang opisyal na pahayag ng magkapatid na Senador dahil posibleng unofficial naman ang nature ng sinasabing pagbiyahe ng magkapatid na Cayetano na labas na sa kanilang opisyal na tungkulin.