“Build with us. Invest in the Filipino.”
Ito ang paanyaya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa business leaders at investors na lumalahok sa isinasagawang Luzon Economic Corridor Investment Forum sa Taguig city.
Paghikayat ng Pangulo sa mga negosyante, dito na dalhin sa Pilipinas ang kanilang kapital, expertise o kasanayan at buuin ang matagalang business partnership sa bansa.
Garantiya ng Pangulo, katiwa-tiwalang maglagak ng pamumuhunan sa Pilipinas kasabay ng pagtiyak sa investors ng matibay na government response.
Binigyang-diin ng Chief Executive na hangad ng Pilipinas ang tagumpay ng kanilang pamumuhunan gayung magbubukas ito ng oportunidad para sa mga Pilipino.
Hindi lang aniya market ang bansa kundi isang trusted partner kung saan maaari pang palaguin ng mga negosyante ang kanilang investment.