Inaasahang magkakaroon ng follow-up meeting kaugnay ng mga investment pledge na unang ipinangako ng India nang magtungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bengaluru noong Agosto ng nakaraang taon, kasabay ng nakatakda niyang pagbiyahe sa darating na weekend.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Analyn Ratonel, partikular dito ay ang $5.8 billion US dollar investment pledges at commitment ng India na may kinalaman sa paglalagak ng negosyo na nasa sektor ng teknolohiya, kalusugan, enerhiya, at imprastraktura.
Ayon kay Ratonel, magaganap ang nakatakdang follow up meeting ng Punong Ehekutibo sa Indian business leaders na kung saan ay mabubuksan ang usapin na lalo pang magpapalakas sa ugnayang kalakalan at pamumuhunan.
Matatandaan sa ulat ng Pangulo kaugnay ng kanyang state visit sa India noong isang taon ay ini-report nito na naka-secure ang Pilipinas ng $446 million US dollars mula sa 18 business agreements at potential investments naman na aabot sa $5.798 bilyong dolyar.