Naglabas ng proklamasyon ang Malacañang para sa pag-alaala sa ika-109 na kaarawan ni dating President Ferdinand E. Marcos Sr. bukas, September 11, 2026.
Pirmado ni Executive Secretary Ralph Recto ang Proclamation No. 1421 na nagdedeklarang walang pasok bukas sa Ilocos Norte.
Ang deklarasyong gawing special non-working day sa probinsiya ayon kay Recto ay ginawa upang mabigyan ng pagkakataon ang mga taga-Ilocos Norte na makalahok sa pagdiriwang.
Kaugnay nito ay mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mangunguna sa mga programang inihanda para sa okasyon.
Deklarado din ang Special Non-Working Day sa Bais, Negros Oriental para naman sa pagdiriwang ng Hudyaka Festival o ang Pista ng Anihan.