Nagbigay garantiya ang Palasyo na magpapatuloy ang pamamahagi ng libreng bigas sa 2027 at pinaglaanan na ito ng kaukulang pondo.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, magtutuloy-tuloy ang pamamahagi ng 10 kilo ng bigas kada dalawang buwan ng pamahalaan sa may walong milyong mga Pilipinong higit na nangangailangan.
Nakapaloob na aniya ito sa panukalang budget allocation sa susunod na taon na nasa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF).
Mas malaki at dinagdagan ani Recto ang inilaang pondo sa LGSF na siyang nagpopondo sa libreng bigas na titiyak sa pagpapatuloy ng pamamahagi ng librengs bigas sa mamamayan.
Binigyang-diin ni Recto na hindi lang ang nasa vulnerable sector ang nabibigyang benepisyo ng libreng bigas kundi pati na ang mga magsasaka gayung sa kanila kinukuha ang produkto na ipinamamahagi sa mga kinauukulan.