Inilabas ng Malacañang ang Memorandum Circular No. 135 na nagpapatupad ng alternative work arrangements sa mga tanggapan ng gobyerno at alternative learning modes sa mga paaralan sa National Capital Region (NCR) at 12 probinsya ngayong Huwebes, Setyembre 10, 2026.
Ipinatupad ang naturang direktiba sa rekomendasyon ng NDRRMC dahil sa patuloy na pag-ulan mula sa pinaigting na Habagat. Nilagdaan ito ni Acting Executive Secretary Ralph G. Recto sa kapangyarihan ng Pangulo.

Apektadong mga Lugar:
- National Capital Region (NCR)
- La Union
- Pangasinan
- Benguet
- Bataan
- Bulacan
- Pampanga
- Zambales
- Batangas
- Cavite
- Laguna
- Rizal
- Occidental Mindoro
- Oriental Mindoro
Mahahalagang Detalye ng Memorandum:
- Edukasyon: Awtomatikong lilipat sa alternative learning modes (online/modular) ang lahat ng lebel sa pampubliko at pampribadong paaralan, maliban kung may ibang utos ang kani-kanilang alkalde o gobernador.
- Sektor ng Gobyerno: Ipatutupad ang alternative work arrangements. Babayaran pa rin nang buo ang mga empleyadong Contract of Service (COS) at Job Order (JO).
- Emergency at Vital Services: Patuloy na mag-ooperate ang mga ahensyang nagbibigay ng serbisyong pangkagalingan, kalusugan, at disaster response.
- Pampribadong Sektor: Ipinauubaya sa pamunuan ng bawat kompanya ang pasya sa suspensyon ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangement.
I-refresh ang pahinang ito para sa mga susunod pang opisyal na anunsyo at update mula sa mga pamahalaang lokal.