Muling ipinag-utos ng Malacañang ang pagpapatupad ng alternative work and learning arrangement sa mga government offices at mga paaralan sa Metro Manila at 13 probinsiya dahil sa inaasahan pa ring sama ng panahon dulot ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat ngayong araw, September 10, 2026.
Base na din ito sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council bunsod ng inaasahang patuloy na malalakas na pag-ulan na dulot ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat.
Sa bisa ng Memorandum Circular No. 135 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto ay ipatutupad ang alternative work and learning arrangement sa Kalakhang Maynila, La Union, Pangasinan, Benguet, Bataan, Bulacan, Pampanga, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro.
Tuloy-tuloy naman ang operasyon ng mga nasa disaster preparedness and response at iba pang serbisyo.
Kaugnay nito’y ipinauubaya na sa mga local chief executive ang pagpapatupad ng kahalintulad na work arrangement.l sa mga tanggapan ng pamahalaan sa iba pang mga lugar.
Bahala naman sa kabilang banda ang management ng mga nasa pribadong sektor kung magpapatupad din ng nasabing work set up o kanselasyon ng kani-kanilang trabaho.