Inaasahang limang power plants na may kabuuang 722 megawatts (MW) na kapasidad ang muling mag-ooperate sa Visayas at Mindanao ngayong September at October.
“Hindi katanggap-tanggap ang sitwasyon sa Visayas,” ayon kay Energy Secretary Sharon S. Garin, kaya naman puspusan ang pagkilos ng Department of Energy (DOE) upang maibalik agad ang sapat at maaasahang suplay ng kuryente sa rehiyon.
Kabilang sa mga inaasahang magbalik-operasyon ang:
🔹 Cebu Energy Development Corp. Unit 1 – 82 MW — nagbalik-operasyon noong September 5
🔹 Therma Visayas Unit 1 – 169 MW — target magbalik sa September 15
🔹 Panay Energy Development Corp. Unit 3 – 150 MW — target magbalik sa October 3
🔹 Therma South, Inc. Unit 2 – 150 MW — nagbalik-operasyon noong September 7
🔹 Therma South, Inc. Unit 1 – 150 MW — target magbalik sa September 19
🔹 GN Power Kauswagan Unit 2 – 103 MW — target magbalik sa September 20
Bukod dito, 253 MW ng battery storage capacity ang itinatalaga sa Cebu, Panay, Leyte, at Negros bilang mabilis na backup kapag biglang bumaba ang supply o magkaroon ng aberya sa generating units. | ulat ni Aj Ignacio