Nagdagdag ang Mitsubishi Corporation ng puhunan na 7 daang milyong US dollar sa Ayala Corporation.
Ipinresenta ito sa isa sa mga ginanap na business meetings ngayong araw na may kaugnayan pa rin sa working visit nito sa Singapore.
Dahil dito ay tataas ang pagmamay- ari ng Mitsubishi sa Ayala Corporation na mula sa dating 4.7% ay magiging 15% na.
Ang nabanggit na investment ay maituturing na pinakamalaking foreign equity investments sa Pilipinas kumpara sa mga nagdaang taon.
Bukod dito ay nagbigay din ng update ang dalawang kumpanya kay Pangulong Marcos hinggil sa agreement na nalagdaan nuong state visit nito sa Tokyo nuong Mayo.
Kabilang dito ang kauna- unahang pakikipagtulungan upang mapalawak ang serbisyong pinansyal gamit ang digital na teknolohiya sa pamamagitan ng GCash.