Hindi sang-ayon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panawagan ni Senator Panfilo Lacson na palitan ang economic team ng administrasyon sa gitna ng mga kasalukuyang hamon sa ekonomiya ng Pilipinas.
Kung matatandaan, pinuna ng senador ang economic managers ng administrasyon dahil sa umano’y mahinang performance ng ekonomiya.
Kasunod ito ng pagbilis ng inflation rate sa 7.8% nitong Oktubre mula sa 7.2% noong Setyembre.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang mga hamong ito ay direktang epekto ng gyera sa Iran.
Kaugnay nito, una nang sinabi ni Communications Underseretary Claire Castro na pinagpupursigihan ng administrasyon ang pagpapatupad ng mga proyekto at programa upang maibsan ang pagtaas ng inflation rate at hindi labis na makaapekto sa ekonomiya.
Nakatakda aniyang magpulong ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa unang bahagi ng Disyembre upang i-revise ang 2026 at 2027 targets sa GDP growth, inflation, at palitan ng piso bunsod ng krisis sa Middle East at very strong El Niño.