Nanindigan ang Department of Migrant Workers (DMW) na dapat nang wakasan ang karahasan at pang-aabuso sa mga kababaihan at bata.
Binigyang-diin ito ng ahensya sa isang aktibidad ngayong araw, bilang pakikiisa sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women and Children.
Sa temang “United for a VAW-Free Philippines,” iginiit ng DMW na hindi lamang iilan ang may pananagutan sa pagpigil sa karahasan.

Kailangan umano ang pakikilahok ng bawat indibidwal, pamilya, komunidad, institusyon, at lahat ng sektor ng lipunan.
Isinabay ang aktibidad sa flag-raising ceremony ng DMW, kung saan sabay-sabay na nag-pose ng stop-VAW hand sign ang mga opisyal, kawani, at overseas Filipino workers bilang pagpapakita ng pagkakaisa laban sa karahasan.