Pinapaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas sa Vietnam ang mga biyaherong Pilipino na pupunta sa naturang bansa na mag-avail ng insurance para sa medical emergencies.
Sa gitna ito ng mga napapabalitang food poisoning sa ilang mga lugar sa bansa.
Batay sa abiso ng embahada, inaabisuhan din ang mga turista pati na rin ang mga residente sa Vietnam na kung maaari ay manatili lang sa mga hotel at kumain sa mga restaurant na maayos at kilalang malinis. Kung maaari rin ay uminom ng bottled water.
Aminado naman aniya ang Vietnam authorities na problema pa rin sa ngayon ang kalusugan sa bansa
Batay din sa tala ng Ministry of Health ng Vietnam mula January hanggang June, nakapagtala na agad ng 58 food poisoning outbreaks na nakaapekto sa 1,573 na mga residente.