Patuloy na nagsusuplay ng tubig ang Office of Civil Defense (OCD)-CARAGA sa Dinagat Islands matapos matuyo ang mga pinagkukunan ng tubig bunsod ng epekto ng El Niño.
Sa programang BOSES, sinabi ni OCD-CARAGA Regional Spokesperson Carlo Boneto Becera na nanggaling pa sa Davao City ang inuming tubig na ipinadala sa Dinagat Islands.
Sa kabilang dako, available pa rin ang ilang water resources sa Butuan City habang tumutulong sa pagsusuplay ng tubig ang Bureau of Fire Protection at private sector.
Kapwa isinailalim sa State of Calamity ang Dinagat Islands at Butuan City habang binabantayan din ang iba pang lugar na posibleng mag-anusyo ng kaparehong deklarasyon.