Isasailalim na sa bidding ang apat na farm-to-market road projects sa Concepcion, Tarlac na nagkakahalaga ng ₱71.52 milyon.
Nilagdaan na ng Department of Agriculture at Department of Public Works and Highways ang memorandum of agreement para sa mga proyektong may kabuuang haba na 5.43 kilometro.
Kabilang sa mga proyekto ang pagkokonkreto ng mga kalsada sa Barangay Balutu, Santiago at Castillo, at ang kalsadang magdudugtong sa Balutu at Panalicsican.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layunin ng mga proyekto na mapabuti ang biyahe ng mga produkto mula sa mga farming community patungo sa mga pamilihan.
Sa ilalim ng kasunduan, ang DA ang mamamahala sa road standards, engineering designs at pagmomonitor ng pondo, habang ang DPWH ang mangunguna sa procurement at konstruksyon.
Kailangan din ng No Objection Letter mula sa DA bago ang procurement, habang isasailalim sa joint validation at geotagging ang mga project site at third-party audit bago ang final payment.