Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko ang kanilang pangako na poprotektahan ang mga botante, kandidato, mga tauhan ng Commission on Elections (COMELEC) at mga sibilyan.
Ito’y bilang bahagi ng kanilang pagsuporta sa pagbabantay gayundin ang pagsisiguro ng kaligtasan ng lahat sa makasaysayan at kauna-unahang Parliamentary Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ngayong araw.
Ayon kay AFP Chief of Staff, Gen. Antonio Nafarrete, wala silang namomonitor na seryosong banta subalit nananatili ang kanilang commitment para sa tahimik, maayos at mapayapang halalan.
Kabilang ang AFP Chief sa mga sumaksi sa pinal na pag-iinspekyon ng mga opisyal ng COMELEC kasama ang Philippine National Police (PNP) at iba’t ibang stakeholders.
Dito, kanilang tinalakay ang iba’t ibang adjustment sa security protocols, operational arrangements, pinaigting na ugnayan gayundin ang pagtugon sa anumang concern.
📸 AFP

