Isandaang porsyento nang kasado ang latag ng seguridad para sa makasaysayan at kauna-unahang Parliamentary Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr, bukod sa mga tauhan ng Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), aalalay din ang puwersa ng Pulisya mula Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN at CARAGA.
Nabatid na mula pa nooong Biyernes, Setyembre a-11 ay nakataas na ang FULL ALERT status sa hanay ng Pambansang Pulisya na magtatagal hanggang September 30.
Sinabi ni Nartatez na hindi naiiwasan ang karahasan sa tuwing magkakaroon ng halalan sa Mindanao kaya’t kaniyang ipinatupad ang Enhanced Managing Police Operations (EMPO) noong siya pa ang Commander ng Area Police Command – Western Mindanao.
Mahigit 10,000 mga Pulis ang ipinakalat para sa iba’t ibang election related duties katuwang ang iba pang Police Units at Regional Offices bilang augmentation force.
📸 PNP

