Nasa ilalim ng eksklusibong kapangyarihan ng Senado, na tumatayong impeachment court, ang usapin ng voting threshold.
Ito ang sagot ni House lead prosecutor Gerville Luistro nang hingan ng media ng reaksiyon sa pahayag ni Davao Congressman Paolo “Pulong” Duterte na hindi dapat baguhin o ibaba sa pamamagitan lamang ng simpleng mayorya (simple majority) ang kinakailangang 16 na boto para sa hatol na conviction sa Senado.
Ayon kay Luistro, ipapaubaya na nila sa impeachment court ang pagpapasya kaugnay sa threshold. Dagdag pa niya, nakasaad sa Saligang Batas na kailangan ang two-thirds vote ng mga senador na nagsisilbing senator-judges upang ma-convict ang Vice President.