Nagpahayag ng kanilang buong pagsuporta ang mga retiradong miyembro ng militar gayundin ng mga nasa unipormadong hanay kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
Ito’y makaraang hayagang igiit ni Teodoro ang paninindigan ng Pilipinas kontra China sa usapin ng West Philippine Sea (WPS) nang dumalo ito sa Seoul Defense Dialogue sa South Korea kamakailan.
Ayon sa Retired Military and Uniformed Personnel for United Philippines (RMUP), ipinakita lamang ng kalihim ang matapang niyang pagtatanggol sa karapatan at soberaniya ng Pilipinas sa naturang karagatan.
Patunay lamang din anila ito ng patuloy na pangako ng Pilipinas na kilalanin ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) gayundin ang 2016 Arbitral Award sa kabila ng hindi pagkilala rito ng China.
