Nasabat ng Bureau of Customs o BOC-Port of Subic ang 98.332 kilo ng marijuana, o “Kush,” na tinatayang nagkakahalaga ng ₱162.2 milyon sa street value, matapos inspeksyunin ang isang distressed sailing yacht sa Subic Bay Yacht Clu
Noong Setyembre 2, 2026, agad kumilos ang BOC-Port of Subic matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa naturang yacht na humingi ng emergency shelter at repair dahil sa masamang panahon. Mula ito sa Kota Kinabalu, Malaysia at orihinal na patungo sa Taiwan, at may sakay na Thai at Malaysian crew members.
Dahil sa impormasyon na posibleng may dalang mga ipinagbabawal na kontrabando, naglabas si BOC-Port of Subic District Collector Atty. Geniefelle P. Lagmay ng Mission Order para sa inspeksyon at paghahalughog sa sasakyang-dagat.
Isinagawa ang operasyon kasama ang Subic Bay Metropolitan Authority Law Enforcement Department, Philippine Coast Guard, Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, Department of Justice, barangay officials, SBYC officials, at iba pang miyembro ng composite enforcement team.
Sa isinagawang inspeksyon, natuklasan ang 98.332 kilo ng Kush, na may tinatayang street value na ₱162.2 milyon.
Ayon kay District Collector Lagmay, ipinapakita ng operasyon ang commitment ng BOC na protektahan ang mga hangganan ng bansa at pigilan ang pagpasok ng dangerous drugs at iba pang kontrabando. Samantala, sinabi ni BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno na patunay ang seizure sa patuloy na pagbabantay ng ahensya at sa kahalagahan ng mabilis at intelligence-driven na operasyon.