Saludo ang Commission on Elections o COMELEC sa mga botante at mga partido sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, hindi bala kundi ang balota ang nanaig sa pagpili ng mga manunungkulan sa BARMM.
Sa ganitong paraan, aniya, ipinaglaban ng mga Bangsamoro ang kapayapaan at piniling huwag lumaban, na nagresulta sa matiwasay na halalan.
Ipinakita, aniya, ang mukha ng nagkakaisang Bangsamoro na handang mamahala at yakapin ang kapayapaang pinagbuwisan ng dekada-dekadang sakripisyo.
Samantala, kahit tapos na ang halalan, tiniyak ni COMELEC Chairman Garcia na mananagot ang mga nagtangkang baguhin ang resulta ng halalan sa pamamagitan ng pre-shading ng balota. Papanagutin din aniya ang mga naghayag ng kaguluhan kasabay ng kauna-unahang BARMM Parliamentary Election.