Sisikapin ni DPWH secretary Vince Dizon na magkaroon ng malaking pagbabago sa Department of Public Works and Highways bago siya umalis sa tanggapan.
Ginawa ang pahayag sa isinagawang bisto proyekto assessment sa tanggapan ng DPWH na layung paigtingin ang pakikilahok ng publiko sa pagbabantay ng government infrastructure.
Ayon kay Secretary Dizon, posibleng 1 isang taon nalang siya manunungkulan.
Dahil dito gagamitin nila ang natitirang panahon para magkaroon ng pagbabago sa departamento.
Sa ngayon hindi na basta basta maaprobahan ang proyekto dahil dadaan pa ito sa masusing pag-aaral at kailangan makapagpasa ng hanggang 5 dokumento. | ulat ni DK Zarate