Photo courtesy of National Commission for Culture and the Arts
Nagluluksa ang buong bansa sa pagpanaw ng kilalang antropologo at manunulat mula sa Cebu at National Artist for Literature na si Resil B. Mojares sa edad na 83.
Kilala si Mojares sa kanyang malaking ambag sa pagtataguyod ng kasaysayan at kulturang Cebuano, pati na rin sa paghubog ng pambansang identidad ng Pilipinas.
Pinarangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura si Mojares noong 2018 at kaniyang itinatag ang Cebuano Studies Center, isa sa mga pangunahing institusyong naglalayong higit na pag-aralan ang kulturang Cebuano at ang kontribusyon nito sa pagbuo ng pambansang identidad.
Naglingkod siya sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) bilang vice-head ng Committee on Literature at miyembro ng Committee on Historical Research.
Sa pamamagitan ng kanyang mga sulatin, hinimok niya ang mga Pilipino na suriin ang sariling kultura at ang mga tanyag na personalidad na humubog sa kasaysayan ng Pilipinas upang mas mapagtibay ang pambansang pagkakakilanlan.