Magkakasa ang International Criminal Court (ICC) Trial Chamber 3 ng status conference sa kasong crime against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Miyerkules, September 16.
Aarangkada ito ng ganap na 4:30 ng hapon oras sa Pilipinas.
Sa isasagawag ikatlong status conference ay tatalakayin ng Trial Chamber III ang ilang usapin gaya ng listahan ng mga witnesses, listahan ng mga ebidensiya, mga disclosure sa mga defense at ilang posibleng insidente.
Kasama rin na tatalakayin ang pagtatalaga ng schedule sa trial proper na magsisimula sa November 30 kabilang ang panukalang magkakasunod na pagdinig na mayroong breaks at sitting hours.
Hindi naman matiyak kung makadadalo ng personal si dating Pangulong Rodrigo Duterte subalit kailangan pa rin nitong iprisinta ang sarili sa mga ICC judges mula ng ito ay maaresto noong March 2025.