Itinurn-over ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) Regional Office IX ang Abaca Spindle Stripping Machines sa tatlong asosasyon ng mga magsasaka ng abaka sa bayan ng Godod, Zamboanga del Norte.
Kabilang sa mga nakatanggap ang Subanen Tribal Farmers Association ng San Pedro, Makinaryas Alsa Masa Farmers Association, at ang Matagnay Alsa Masa Farmers Association.
Ang iginawad na mga makinarya ay naglalayong gawing episyente ang pagproseso ng hibla at mapaunlad ang oportunidad sa kabuhayan ng mga magsasakang benepisyaryo.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga magsasaka sa suportang kanilang natanggap mula sa ahensya dahil pagtitibayin nito ang kanilang partisipasyon sa abaca fiber value chain.
Naging matagumpay ang inisyatiba sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Godod sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office na siyang nangasiwa sa aktibidad.
📷 PhilFIDA Region IX