Iginiit ni retired Supreme Court Chief Justice Artemio Panganiban na dapat isaalang-alang ng mga senator-judge sa impeachment proceedings ang pananaw at inaasahan ng taumbayan, ito ang pagkamit ng hustisya.
Sa pagdinig ng Impeachment Court, sinabi ni Panganiban na ang mga tanong ng mga senator-judge ay tila nakatuon sa ligal na usapin at sa kanilang papel bilang mga senator-judge.
Pero para kay Panganiban, ang pangunahing hinihingi ng publiko ay hindi lang legalismo o judicial conduct kundi hustisya.
Ayon sa retiradong punong mahistrado, hindi mahalaga para sa taumbayan kung 20, 24, o mas kaunti ang bilang ng mga senador na gumaganap ng tungkulin sa impeachment proceedings.
Ang mahalaga aniya ay kung makikita at mararamdaman ng publiko na nakapagbigay ng hustisya ang Senate Impeachment Court.