COMELEC, papanagutin ang mga nagtangkang mandaya at gumawa ng karahasan sa BARMM Parliamentary Elections
Aminado ang Commission on Elections o COMELEC na nagkaroon ng bahid ng karahasan ang kauna-unahang BARMM Parliamentary Election, sa kabila ito ng pagiging matagumpay at mapayapa ng eleksyon sa pangkabuuan.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia mariin nilang kinokondena ang mga karahasang ito at ang tangkang pandaraya sa pamamagitan ng pre-shaded ballots.
Kaya naman binigyang diin ni Garcia na hindi nila ito palalampasin.
Iginiit ni Garcia na ilalaban nila ito hangang sa dulo ng proseso at hanggang sa makulong ang mga may sala. | ulat ni DK Zarate