Nakipagpulong ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga insurance companies para mapahusay ang insurance coverage at claims assistance para sa mga operator at commuters.
Pinangunahan ni LTFRB Acting Chairman Atty. Greg Pua Jr. ang pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng Passenger Accident Management and Insurance Agency, SCCI Management and Insurance Agency Corporation, at Centerstar Management and Insurance Agency.
Tinalakay sa pulong ang pagpapalakas ng koordinasyon sa mga insurance partners upang maging mas maayos at episyente ang proseso ng insurance claims.
Bahagi ito ng hakbang ng LTFRB at DOTr para mapalakas ang serbisyo at kaligtasan sa pampublikong transportasyon. | ulat ni Rey Ferrer