Photo courtesy of Department of Justice
Suportado ni Justice Secretary Fredderick Vida ang modernisasyon sa border security ng bansa laban sa banta ng cross-border crimes.
Sinabi ni Vida na kabilang sa mga banta ang human trafficking, terorismo, illegal recruitment, document fraud at identity theft.
Ayon sa kalihim, kailangan ng mas moderno at koordinadong sistema upang mapalakas ang seguridad sa mga border ng bansa.
Sinabi naman ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na palalakasin ng ahensya ang paggamit ng teknolohiya, digitalization at border intelligence.
Kaugnay nito, nire-review ang panukalang P10.74-billion Public-Private Partnership project para sa integrated border security system sa 11 paliparan at border points.
Sa ilalim ng panukala, ia-upgrade ang sistema kada apat na taon sa loob ng 20 taon, nang walang gastos sa gobyerno.
Layunin nitong palakasin ang border control laban sa trafficking at iba pang cross-border crimes. | ulat ni Rey Ferrer