Nagpahayag ng matinding pagkabahala ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng mga huling kaganapan at tumitinding tensyon sa West Bank.
Sa isang opisyal na pahayag, binigyang-diin ng DFA ang pagnanais nitong matigil ang kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Aniya, nababahala ang DFA sa itinutulak na E1 settlement plan ng gobyerno ng Israel, pati na rin ang patuloy na pagtaas ng karahasan sa mga settler sa lugar.
Giit ng ahensya, ang mga aksyong ito na posibleng lumabag sa international law at nakakasira sa layuning makamit ang patas at matagalang kapayapaan.
Dahil dito, nanawagan ang Pilipinas sa lahat ng panig na itigil ang anumang unilateral o sariling desisyon at nanindigan sa karapatan ng mga mamamayang Palestinian
Matatandaan na patuloy din ang pagtutol ng iba’t ibang bansa kabilang ang United Kingdom, France, at Canada laban sa plano ng pamahalaan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na itayo ang E1 settlement sa West Bank.
Sa ilalim ng planong ito, magtatayo ang Israel ng libu-libong bagong tirahan na maghihiwalay sa hilaga at timog na bahagi ng West Bank