Photo courtesy of Manila PIO
Lumagda sa kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila at Land Bank of the Philippines o LandBank para palakihin ang pondo sa pabahay ng lungsod.
Pinangunahan nina Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at LandBank Vice President at Chief Trust Officer Atty. Mario Sabino Jr. ang paglagda sa kasunduan na magpapahintulot sa lungsod na i-invest ang humigit-kumulang ₱50 milyono mula sa Manila Urban Settlements Office o MUSO Housing Trust Fund.
Ang pondo ay mula sa buwanang kontribusyon ng mga benepisyaryo ng in-city vertical housing program at ilalaan sa pagpapatuloy at pagpapalawak ng mga proyektong pabahay sa Maynila.
Ayon kay Domagoso, layunin ng lungsod na makapagbigay ng disenteng tirahan sa mas maraming pamilyang naninirahan sa informal settlements at mga nangungupahan sa Maynila.